Cafe Giang - Hanoi






Pagdating pa lang namin sa Hanoi, ito agad yung unang stop — Cafe Giang.
Sikat ’to sa social media, kaya curious din ako kung legit ba talaga.
Sa ambiance, medyo sablay. Sobrang sikip, dikit-dikit ang mga upuan. Kung hindi ka sanay sa mataong lugar, medyo hassle. Tahimik na spot? Hindi dito.
Staffs? Hindi ganun ka-accommodating nung time na nandoon kami — baka sadyang pagod lang.
Pero yung egg coffee? Solid.
First time ko siyang natikman, at masasabi kong worth it talaga. Creamy, hindi sobrang tamis, may distinct na lasa na nakakabitin. Hindi siya ‘pang-picture lang’ — talagang masarap.
⭐️ 9/10 — dahil sa egg coffee lang talaga.
Yung vibe ng lugar, okay na rin, pero kung babalik ako, para lang sa kape.
Super memorable to' kasi ito yung' first cafe namin as husband and wife ng asawa ko. ❤️
Member discussion