Egg Coffee sa BGC?

Namiss talaga namin ni misis ang mga pagkain sa Vietnam—lalo na ang paborito naming Banh Mi. Kaya habang nag-iikot kami sa BGC, napadaan kami sa restaurant – Em Ha Noi, malapit lang sa W Fifth Avenue. Sakto sa cravings namin for authentic Vietnamese food, kaya hindi na kami nagdalawang-isip na subukan.
Pagpasok pa lang, nagulat kami—may Egg Coffee pala sila! Sobrang namiss ko ‘to simula noong huling trip namin sa Vietnam. Dahil medyo busog na rin kami, Banh Mi at Egg Coffee lang ang inorder namin para matikman kung gaano ka-legit ang lasa.





Una naming tinira ang Egg Coffee. Legit ang lasa at ramdam mo talaga yung creamy-egg foam sa ibabaw. Medyo mapait siya kung nasanay ka sa sweeter drinks, pero no worries—pwede kang humingi ng sweetener at i-adjust ayon sa trip mo.
Next up, ang Banh Mi. Dito ako mas natuwa: same na same ang lasa sa mga Banh Mi na natikman namin sa Hanoi at Ho Chi Minh. Yung tinapay, perfect ang crunch; yung fillings, malasa at well-seasoned. Instant throwback sa Vietnam trip namin!
Sa ambiance, masasabi kong faithful sila sa Hanoi vibe. Simple lang ang set-up, medyo raw at may konting kalat na parang authentic street-side eatery. May charm din yung ganung “hindi masyadong polished” look—parang dinala ka talaga nila sa Hanoi.
Sa kabuuan, sulit ang bayad at talagang na-satisfy ang cravings namin mag-asawa. Kung bigla kaming atakihin ulit ng Vietnamese food craving, baka bumalik kami ulit.
⭐️ Rating: 6/10 – hindi perfect, pero panalo sa authentic taste at sulit sa experience.
Member discussion