Super Sam - Honest Review

π½ Super Sam, BGC β Worth the Hype?
Kung madalas ka sa BGC, malamang mapapatingin ka sa Super Sam. Hindi mo kasi mamimiss βyung malaking mukha sa pader na parang artwork sa gallery β bold, colorful, at may dating. Para bang gusto niyang sabihin na βdito ka kumain, hindi ka magsisisi.β
Pagpasok namin, ambience was decent. Malinis, maaliwalas, pero wala masyadong standout sa interiors maliban sa iconic mural na perfect pang-background ng pictures. Walang sobrang luxurious feel, pero maayos para sa casual dining.






Sa food, eto tinikman namin:
π₯ Aglio e Olio β matabang at kulang anghang,
π₯ 4 Cheese Pizza β cheesy, creamy, ito sa lahat ng order namain ang pinakatumatatak sakin,
π₯ Carbonara β creamy, safe, at hindi nakaka-overpower,
π₯ Mushroom Soup β earthy at comforting, iba compared sa mga mushroom soups na natikman which is a good thing.
Sa drinks, nag-matcha kami. Straightforward, well-balanced, at walang unnecessary sweetness β kumbaga, simple pero maayos.
πͺ Verdict: 6/10. Hindi siya ganun ka-sulit para sa presyo, pero kung trip mo mag-explore ng bagong spot sa BGC na may striking visual identity, lalo na para sa mga mahilig mag-picture, worth it na subukan kahit once.
π Super Sam β Bonifacio Global City, Taguig
Member discussion