2 min read

TuanTuan - Luxurious Pero Abot-Kaya

TuanTuan - Luxurious Pero Abot-Kaya

Lagi naming nadadaanan itong resto tuwing papunta kami sa SM Aura. Honestly, hindi namin pinapansin kasi mukha talagang pang-mayaman vibes sa labas pa lang. Pero ayun, nagkamali pala kami—hindi naman pala ganun ka-lupit sa presyo. Medyo mid-range, at kung middle class ka, kakayanin naman.

Pagpasok pa lang, ibang level agad. Luxurious ang dating—malaki yung chandelier, tipong pang-hotel vibes. Alam mong dine-in experience talaga ang target nila.

  • Salted Egg Squid 🦑🥚 – Okay naman, safe ang lasa. Crispy and creamy, pero bitin ako sa alat. Kung mahilig ka sa medyo matapang na salted egg flavor, baka maghanap ka pa ng extra punch.
  • Laksa Noodle Soup 🍜🦐 – Masarap siya, creamy, and loaded with seafood. Pero personally, not my type. Mas heavy sa creaminess kaysa spice, kaya baka hindi ito para sa lahat.
  • Shrimp Wanton Chili 🥟🌶️ – Eto na! Ang MVP ng gabi. Perfect ang lambot ng wanton, tapos yung anghang sakto lang. Lasa mo talaga yung shrimp sa loob. Walang daya.
  • Hong Kong Style Coffee ☕🇭🇰 – Surprisingly good. Parang kopiko black na may upgrade. Saktong timpla ng tamis at pait—worth it for the price.

Verdict

Total damage: ₱2,400+. Worth it ba? For me, oo. Quality yung pagkain at pasok sa standard. Siguro mali lang kami ng combo kasi halos pare-pareho yung flavor profile—except sa wanton na nag-breakthrough talaga.

Overall score: 7/10

Masarap, classy vibes, pero next time mas tatargetin ko yung dishes na magcocomplement sa isa’t isa.