Yoshihara - Hidden Japanese Spot sa Taguig

Kung taga-Taguig ka at madalas ka sa area ng Medical Center Taguig, malamang napansin mo na ‘tong resto na halos katabi lang ng KFC.
Pagpasok pa lang namin sa Yoshihara, ramdam mo agad yung Japanese vibes. Tahimik, chill, parang ang sarap lang tumambay. Resto siya na may grocery din, kaya kung trip mong gumawa ng sariling ramen, andun lahat ng ingredients—ikaw na bahala pumili at bumuo.







Pero kami, dumiretso na sa menu.
👉 Beef Garlic Pepper Rice – Unang kagat pa lang, boom! Malasa agad. Yung garlic and pepper, sakto ang timpla, hindi nakakaumay. Yung beef, malambot at juicy, hindi tipid sa serving. Comfort food na may kick, parang pang-paulit-ulit kainin.
👉 Takoyaki – Eto ang highlight. Pagkagat mo, creamy agad sa loob, tapos may legit na octopus bits talaga. Hindi tulad nung mga “takoyaki” na puro harina lang. Ito, ramdam mo yung authenticity. Malasa, malambot, at perfect yung sauce at toppings.
👉 Salmon at Tuna Rice Bowl – Grabe, ang fresh ng isda. Walang lansa, malinis ang hiwa, at malinamnam kahit simple lang ang seasoning. Ramdam mong quality ang ingredients. Parang straight out of Japan vibes yung freshness.
👉 Fries – Hindi ko inaasahan, pero hands down, the best fries na natikman ko. Solid yung alat, hindi sobra, hindi bitin. Tapos merong green flakes na nilagay (seaweed siguro), at doon nag-iba yung lasa—umami na may twist. Simple pero sobrang sarap.
👉 Chicken Teriyaki – Sakto yung lambot ng manok, juicy pa. Yung teriyaki sauce nila hindi matamis na nakakaumay, kundi balanse—malinamnam, savory, at malinis ang timpla. Bagay na bagay sa rice, tipong di mo mamamalayan ubos na agad.
At syempre, ang vibe ng lugar, iba. Kahit maliit lang yung space, sobrang peaceful. May background sounds na parang nasa Japan ka talaga—ang sarap kumain habang chill yung paligid. Plus, masarap din magwork dito.
Overall Sulit-meter: 8/10 – Hindi ako nagexpect pagpasok, pero in fairness nameet nya talaga yung' standards ko.
Downside lang, walang kape 😦
Member discussion